Friday, December 30, 2005

Tanaw*

tanaw ka sa layo ng iyong pagtangis.

dala ko ang bigat ng iyong pagtitig.

mapawi man ang iyong hinagpis

pansamantala lamang ang sayang nais.

uhaw na hindi man lamang mapapawi

ng iyong ngiti, isang ilusyong lumulusaw

sa mundong hanap ay paggunaw

sa iyong piling, wala ng hiling

ninanais lamang iyong pagdating.



balutin ako sa liwanag na iyong suot,

ipangko ang dalanging puno ng pag-aalilangan.

pawiin ang takot na pilit bumabalot

sa pusong tanging paghihintay ang tangan.



tanaw ko ang iyong paglayo.

walang lingong iniwan, iyong paglisan.

mawalay man ang lahat ng ako sa'yo

pangakong sa iyo'y hindi bibitawan..

mawaglit man ang alaala ko

damdaming alay ay mananatiling sa'yo.


mananatiling sa'yo.

mananatiling sa'yo.


*ang sa tingin kong pinakamalungkot at seryoso kong akda. orihinal na binalak maging kanta, at hanggang ngayo'y iyon pa rin ang nais. sana'y makapaglapat ng magandang musika rito. alay kay joyce.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Huwag mong sabihing... sana mali ako sa aking iniisip...

Maganda ang iyong sinulat, kaibigan... Sa pait ako'y nabubuhay... sa sakit ako'y nagkakamalay...

Para sa iyo, ang tono at melodiya ay aking gagawan ng paraan...

7:09 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home