Alay sa Naqavats
Tayo nagkatagpuan.
May mga sariling gimik
At kanya-kanyang hangad sa buhay.
Sa ilalim ng iisang bubong,
Mga sikretong ibinubulong.
Kahit na anong mangyari,
Kahit na saan ak man patungo.
Ngunit ngayon,
Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan.
At kung sakaling gipitin ay
Laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.
Minsan ay parang wala nang bukas
Sa buhay natin.
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo'y mauubusan.
Sa ilalim mg bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman.
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya.
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari,
Kahit an anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan.
Dahil ngayon,
Tayo ay nilimot ng kahapon.
Di na mapipilitang buhayin
Ang ating pinagsamahan.
Ngunit kung sakaling mapadaan,
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.
*nais ko lang ialay ang kantang 'to sa pinakamamahal kong tropa. kahit malala at mukhang hindi na kami buo, isang pasasalamat dahil minsan, naging pinakamasayang at pinakamahalagang mga kaibigan ko ang mga ito.


3 Comments:
hay...nakaka-miss tuloy lalo ang UP. dati gustong-gusto kong bumabalik don...there's no other place like it. pero ngayon, pag napapadpad ako don, nalulungkot na lang ako. hay, rob, eto na naman ang kaibigan mo. iuntog mo na nga sa pader.
times change..
friendship doesn't have to..
walang iwanan.
peace pare.
pare, it's people who change, not time. never did any damn thing to damage tropahan. at least not intentional. dito lang ako pare. slamat sa comment. at sana may pangalan.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home