Monday, September 12, 2005

Sayang (acoustic version)


"...kung lilipas ka na, sinong papalit sa iyo? sayang... sayang..."
-stonefree


Heto ako at nakikinig ng album ng Stonfree na hibiscus na nakuha ko sa ka-opisina ko. Asteeg ang Stonefree. Nakakatawa lang isipin na yung kanta nilang "Sayang" ang huling LSS ng banda naming FoodsWorth nung huli kaming magbalak ng ensayo. Ngayon, mistulang ito ang patutunguhan namin. Hindi ko rin naman masala ang mga dahilan. Nandyan ang isyu ng isa kong kabanda na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala desidido sa pagbalik sa tugtugan namin. May isa rin akong kabanda na abala sa thesis n'ya, at ang huli ay ang kabanda naming hanggang ngayon ata ay masama ng loob sa akin. Nong napagplanuhan namin ang buuin ulit ang banda, napagkasunduan munang humanap ng se-session sa drums at bass ( o bass lang dahil mayroon na kaming percussionist kung mag-aacoustic na lang muna kami. Pero mukhang kuwentuhan lang ang lahat, haha. Nadaan sa konting inuman, at kawalan ng sapat na panahon para mapag-usapan ang mga bagay-bagay. kaya ginanahan. Drowingan lang.

Hindi naman sa masama ang loob ko. Sa tingin ko nga ay mas maayos nang ganito. hindi man ganoon ka-natural ang pagkawala ng banda. Hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang biruan namin, jamming, at pagkain namin sa pugon na hindi na namin nagawa ng kumpleto simula ng umalis ang isa sa amin dahil sa sobrang pagmamahal sa isang tao. At mukha ngang hindi na mauulit pa ang mga mga iyon na kumpleto kami, bilang FoddsWorth, isang banda.

Sa ngayon, ang isang gitarista namin, kasama ang percussionist ay nagbabalak ng bumuo ng bagong banda, at ako naman ay nakikipag-usap din sa dalawang orgmates ko para sa pagbuo ng isang folk rock na banda. At sana, sa pagkakataong ito, ang tanging sayang na lang ay iyong beer na hindi namin mauubos kada may jamming at gig kame.


sa lahat ng sumuporta, salamat.

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

"Hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang biruan namin, jamming, at pagkain namin sa pugon na hindi na namin nagawa ng kumpleto simula ng umalis ang isa sa amin dahil sa sobrang pagmamahal sa isang tao..."

tumatagos, rob. sana nga hindi na lang ganon noh...para sarili naman niya isipin niya, para maging masaya na talaga siya. lalo tuloy ako nagi-guilty.

11:07 PM  
Anonymous Anonymous said...

ey nice to know u listen to STONEFREE...hope it helps you to know that the band went through the same problems and trials, fortunately they survived, and they chose to be together and to stick with each other, hope u guys talk again and decide what u guys really want, kayo2 rin makaka-solve at makakasagot niyan. but if u guys still decide not to be together again, SAYANG nga, baka may ibang plano ang tadhana sa inyo...=)

5:18 AM  
Blogger dreamsatopanashtray said...

ngayon lang ako makapagpapasalamat sa anonymous comment na to, at hindi mo man to mabasa, salamat, salamat.

2:42 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home