Friday, August 19, 2005

No Woman, No Cry*

hayan.

at matapos ang ilang linggong pagiging pagal sa trabaho't buhay, bumabalik ako sa akong birtuwal na santuaryo.

putangna, ang lalim 'no? ehehe. kumusta sa lahat.

hindi ko muna feel mag-English ngayon, kasi i'm kinda tired na e. so there. ano nga bang bago, bukod sa wala pa rin akong ipon at napapadalas ako sa simbahan ng mga nakaraang linggo? a, oo tama, iyon ang bago. pero ayokong mag- kuwento tungkol d'yan, at lalong sa kanya. kaya sa mga magbabalak magtanong, paputiin n'yo na lang sa kakatitig 'tong backdrop ng blog kong nagsusumigaw sa ka-dramahan at lungkot. Tangina, may nag comment pa nga ata na kelangan ko daw ng counseling. kung hindi ba naman gagoamputangnangyan. hindi pa naman ako nasisiraan ng bait. o sige, paminsan-minsan ay kinikilig ang batok ko sa lamig ng hangin ng simbahan tuwing linggo, pero hanggang doon lang muna. mahirap na, ayokong pangunahan ang sinuman, lalo na ang sarili ko. iisa alng ang punto --- medyo masaya ang ikot ng mundo kahit ubos-ubos ang ipon ko sa kabulagsakan ko sa paghawak ng pera at sa pagiging isang mapagbigay na anak at kapatid.

sa totoo lang, kinakati na ang lalamunan ko dahil sa kakatawag sa mga prends kong kano over da seas at nakikipag-bolahan sa pagbebenta ng maipapangalandakang kagamitan para sa kanilang kumpanya. halata mang pilit ang tagalog ko sa promotional items, at least i tried. hehe. blog ko naman to e. walang masyadong bago, ganun pa rin nung dumaan ako sa Myusik Sirkol at ako pa rin ang tampulan ng hiritan tuwing may magaganda kaming aplikante. de puta, hindi na bago sa akin. hinihiritan ko na lang sila.

kagabi, masaya at narinig ko na naman ang pagkanta ng kaibigan kong si kay. i lab u kaybol, duet tayo ulet. kay tasha, pasensya, hamo't makakabawi rin ako sa iyo. kay myra, haba berdey ulet at salamat at nakita ko ang kalahati ng twin perks cafe. at sa isang boteng san mig light.

bukas linggo na naman. nde ko na mahintay ang Ama namin...ΓΌ


yun lang muna.

...at muli ay pilit kong ibinabangon ang sarili sa gising na pagkakahilata sa ulap ng LCD monitor display at sa halina ng swivel chair.

salamas.



*bakit ganito ang titulo?wala lang.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hoy! si cp to.. kinikilig amputa... wahahahaha

12:46 AM  
Anonymous Anonymous said...

Rob! Just an interesting coincidence with your title... I was listening to Patty's INXS mp3s, and just as "No Woman, No Cry" was about to play, dyaran! --your blog entry appears. Yun lang, nice seeing all of you again last Friday :)

2:14 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home