biter-biteran
matagal-tagal din akong hindi napadaan dito sa blog ko at makapag-post ng kung anong pwedeng masabi. naging abala kasi ako sa thesis at sa org at sa raket. hayan, lampas isang buwan din akong wala.nasa internet cafe ako ngayon at badtrip, 1) dahil kinailangan ko pang mag renta dahil wala kaming prepaid card sa bahay, at 2) nakita ko na yung boyfriend nung bumasted sa akin. Pucha. nakakapagtaka talaga. pero sabi nga nila, kanya-knaya lang yan e. malas ko lang. tangina pag yumaman na ko, tangena talaga. babalikan ko yun, hehe. sige, makapagkuwento nga....
- kaarawan ko nung nakaraang biyernes, sep. 24. uminom kami ng kuya ko at tatay ko at nalaman na ni tatay na nagyoyosi na ako (ngayon sabay na kaming magyosi sa bahay)
- kinabukasan nito ako nagpainom, at nung madaling araw (bale linggo na) napaiyak ako sa bespren ko dahil yung tanging tao na mahal ko ay umiyak sa tabi ko. oo, pag-ibig din ang dahilan. niyakap ko s'ya habang umiiyak. gustong-gusto ko nang umiyak, pero pinigil ko. kaya hayun, nung makatulog sya, nag-usap kami ni leng (bespren ko) at iniyak ko na lang sa kanya.
-binabalak ko ngayong yayain s'ya (tawagin na lang natin s'yang 'jo; cp, wag mong ibabalita to sa barkada natin) na manood ng alicia keys concert kahit maubos pera ko sa atm na bagung-bago (dahil sa raket, ehem)
-gusto ko lang linawin, hindi sa umaasa, gusto ko lang masaya si 'jo at hindi nasasaktan. kung pwede me na lang.
ayun lang muna, pagnagkaprepaid ako ia-upload ko na yung mga tula ko.
p.s. kay nhiga, sa'n ka man sa UP, sana talaga masaya ka. sana mabasa mo yung "hey jay" na inakda 'ko. ma-guilty ka man lang.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home