Best Friends
Best Friends
Pansinin mo naman ako.
Kanina pa tayo dito sa tapat ng TV sa sala ko, umabot na’t lahat sa ending credits ang palabas na Love Actually, hindi mo pa rin ako kinikibo. Ano bang naging problema? Speechless ka lang ba dahil sa galing kong sumuso? O nababuyan ka nang husto ng pati ang pagitan ng butas ng puwit mo at ng bayag mo ay padaanan ko ng dila? Masyado lang kasi akong nadala ng pagkakataon. Alam mo na, tao lang. Bakla pa. Saka mukha naming nagustuhan mo ‘yung ginawa ko a? ang higpit pa nga ng pagkakasabunot mo sa mala-Dao kong buhok.
Ni tingin, ayaw mo akong tapunan. Kanina, habang nanonood, sinubukan kong hawakan ang kamay mo, bigla ka namang umiwas, na parang may kung anong sakit na dala yung kamay ko. Naaasar na ko, pero pinapalampas ko na lang; iniisip ko kasi na baka masyado ka lang napagod sa pinagsaluhan natin kanina. Pero halos tatlong oras ka nang nakaupo d’yan sa dulo ng couch, kaya ang OA naman ‘ata kung hanggang ngayon e pagod ka pa rin.
Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap? Ako? Ang sarili mo? Ang akala ko ba malinaw na sa atin ang lahat. Na nahanap na natin ‘yung talagang gusto natin. ‘Yung mahalaga para sa atin. Na sa limang taon natin bilang best friends, na-realize natin na higit pa pala tayo dun. Na mahal kita. Na mahal mo ako. ‘Di ba kasasabi mo lang sa akin kahapon sa FX habang papauwi tayo? Pabulong pa nga ang ginawa mo, sabay kagat sa dulo ng tenga ko. Sobrang kinilig ako, kaya naman tinodo ko talaga kanina sa kama. Tapos ngayon, heto ka, ni ayaw lumingon o magsalita, na parang multo lang akong nakadikit sa hubad mong hita.
Tapos ngayon, biglang-bigla, aalis ka na.
sana makasali sa zine ng UGAT.


1 Comments:
woi! astg to ha! parang totoo. totoo nga ba? galing ng pagkakasulat. galing bang experience to? o product lang talaga ng imagination at ng excellent choice of words? sana nga makasama sa zine ng ugat. gudluck!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home