pasko etc.
isang maligayang pasko sa lahat ng mga prens na napapadaan dito paminsan-minsan. nawa'y maging maligaya kayo sa piling ng inyong mga mahal sa buhay, at ng mga espesyal pang mga tao sa mga buhay n'yo. hehe. yung kuwento dito, saka na lang. tinatamad pa ako e. hehe. next time. baka ilagay ko rin dito yung project kong 'sang kahang tula. naks. kay kay, salamat sa iyong pagsuporta at pagdamay sa baguio. kay isa pang kay (faustino) thanks sa pagiging shrink ko sa mga araw na ma-drama at melancholic ang tema ng mga linya ko. hehe. patok yung theme song natin, can never be. natatawa na lang ako kapag nababasa ko. kay raissa, salamat, salamat, naipakilala mo sa akin si jayvilyn. hindi pa siguro ako makakapunta ng baguio kundi dahil sa kanya. masayang lumungkot pa rin iyon, pero salamat pa rin. bebs, salamat sa pagpaparanas sa akin ng baguio, hindi ko makakalimutan iyon. tanginang baguio yan, sinipon ako. hehe. salamat sa pagbibigay ng buong weekend mo sa akin. kahit wasak at luhaan akong bumaba ng city of pines. hehe. salamat, natapos na rin yun, akala ko aabutin pa ko ng graduation mo. aral kang mabuti, at wag nang hayaang may gumago pa sa iyong lalaki.
at siyempre, kay joyce...salamat sinagip mo ako sa banging ako rin ang may likha. marami pang hindi natin sigurado. basta, sabay naman tayong haharap dun e. tayo ang love team ng taon. salamat sa pagbibigay ulit sa akin ng dahilan at pag-asang muling makasulat ng tula. salamat, araw-araw mo akong binabaliw. at salamat sa mga kurot, hampas at kagat mo. sa mga tampo, paghihintay at katiting na selos. salamat. harinawa tuloy-tuloy na 'to. tandaan mo, ikaw na ang mundo ko, at maghihintay ako. alabshu.
hayan. sa mga kainuman, kabanda, ka-jam, kablock, ka-org, at mga dating kaibigan, isang maligayang pasko sa atin. kampai n'yo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home