(my) _____ eyes.
"...you HAD a chance..."
four words that shattered all my defenses just last night. tangina. biglang gano'n. four numbing words from her. it took those for words in one swift brush of a sentence to my face to end all hopes, including hopeless ones. putangna ayoko naman talaga ng drama, ewan ko ba't parang hinahabol-habol ako. up to this moment, everything that happened last night's still a blur to me. smashing pumpkins, damayan n'yo 'ko. mellon collie and the infinite sadness. rhet miller, ba't 'di mo ko lubayan? utang na loob. senti mode, senti mode. is there no end to this? tangina, misdeal e. taympers muna. ulitan. pakiramdam ko nadaya ako ng pagkakataon. time had a bias against me. ayoko nang ilatag lahat, lalo lang magugulo. ako. tanong-tanong pa, "masaya ka ba?" foolish question, gago. i just wished i never was able to speak to here in that manner. 'di kaya hindi ko na lang nasabi. para maayos-ayos. "kung gusto madaming paraan, kung ayaw maraming dahilan." potah, alam ko. ang hindi ko alam e 'yun lang pala yung pagkakataong meron ako. parang consolation prize. kasi frends tayo. kung nalaman ko lang yun ng maaga-aga 'di sana tinangay na kita sa gubat sa antipolo para ma-solo lang. "sori 'di kita hinabol...sori, tayo'y malabo." anlupet ng sugarfree. pwede kayang session sa kanila, sub muna kay ebe para ako naman mag-eemo kahit isang kanta lang. burn out. o kandila. kahit yung kababanggit ko lang na linya. arghh. was it a lame excuse? subtle denial? mamamatay lang ako kakaisip. ang saya ko pa naman nung kausap ko siya. "sasabihin ko sayo pag nagka boypren na ko." tapos. game over. final score, tambak. hindi na nakaporma. e tangna humirit pa, technical. flagrant foul ko na ako mismo ang nasaktan. sub. sub. inulan ka ng problema sa tropa at mga kaibigan, sumabay pa 'to. "rob, naging mabait naman ako sa'yo, 'di ba?" yeah, you were. walang sarcasm dito. dahil wala naman akong maaasahan maging ganu'n man ang pagtingin ko dito. nasabi ko na. nasabi mo na. salamat sa telepono. sa 127 chars. na text. sa ym. sa pagtabi sa pag-idlip. at sa tanging pagkakataong ikaw lang ang nakakaalam.
(isang mahabang patlang ang alay ko sa'yo sa blog na 'to)
rinig mo ba 'ko? lingon ka naman dito, kahit one time, big time lang. ayoko lang ma-LSS sa 'yeah, whatever.'
"...we don't have to stay friends, let's pretend to be enemies..."
...at mukhang dito nga tayo patungo.