Thursday, September 29, 2005
Tuesday, September 27, 2005
kuwowtabol kuwowts (digest number wan)
" Can't you see Nelson? You're my IMMORTALITY."
sa aking araw
nais ko lang sanang kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga nakaalala sa kaarawan ko...salamat, salamat. Sa mga nagsibati sa friendster, texts messages, YM, at dito sa blog (salamat rye) isang malalim-lalim na pasasalamat. tagay tayo.
sa mga nakalimot (sadya man o hindi), ayus lng. inalayan ko na lahat kayo ng hikab nung sabado.
at eto pang isa. ho-hum.
Thursday, September 22, 2005
MC Boys' Nyt Out

isang gabi sa Querico ng MC boys..hehe...tuloy ang kuwentuhan, hiritan, at siyempre ang inuman..kampay!
Monday, September 19, 2005
ang ating araw (live version)
"standard" na tunog ng celphone na di-ilaw ---
ti-tit...ti-tit.
"tsong, pasensya na, ngaun lng ako naka-rply. kelan nyo gusto bumuong kanta?"
himig.mc
+639179556227
sana, eto na nga ang simula ng aming araw...
Monday, September 12, 2005
Sayang (acoustic version)
-stonefree
Heto ako at nakikinig ng album ng Stonfree na hibiscus na nakuha ko sa ka-opisina ko. Asteeg ang Stonefree. Nakakatawa lang isipin na yung kanta nilang "Sayang" ang huling LSS ng banda naming FoodsWorth nung huli kaming magbalak ng ensayo. Ngayon, mistulang ito ang patutunguhan namin. Hindi ko rin naman masala ang mga dahilan. Nandyan ang isyu ng isa kong kabanda na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala desidido sa pagbalik sa tugtugan namin. May isa rin akong kabanda na abala sa thesis n'ya, at ang huli ay ang kabanda naming hanggang ngayon ata ay masama ng loob sa akin. Nong napagplanuhan namin ang buuin ulit ang banda, napagkasunduan munang humanap ng se-session sa drums at bass ( o bass lang dahil mayroon na kaming percussionist kung mag-aacoustic na lang muna kami. Pero mukhang kuwentuhan lang ang lahat, haha. Nadaan sa konting inuman, at kawalan ng sapat na panahon para mapag-usapan ang mga bagay-bagay. kaya ginanahan. Drowingan lang.
Hindi naman sa masama ang loob ko. Sa tingin ko nga ay mas maayos nang ganito. hindi man ganoon ka-natural ang pagkawala ng banda. Hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang biruan namin, jamming, at pagkain namin sa pugon na hindi na namin nagawa ng kumpleto simula ng umalis ang isa sa amin dahil sa sobrang pagmamahal sa isang tao. At mukha ngang hindi na mauulit pa ang mga mga iyon na kumpleto kami, bilang FoddsWorth, isang banda.
Sa ngayon, ang isang gitarista namin, kasama ang percussionist ay nagbabalak ng bumuo ng bagong banda, at ako naman ay nakikipag-usap din sa dalawang orgmates ko para sa pagbuo ng isang folk rock na banda. At sana, sa pagkakataong ito, ang tanging sayang na lang ay iyong beer na hindi namin mauubos kada may jamming at gig kame.
sa lahat ng sumuporta, salamat.

