Wednesday, July 28, 2004

nang mabasted


isang tulang alay sa mga bumabaling sa pag-iinom tuwing sawi (sa lecheng pag-ibig).salamat at nalampasan ko na 'to.sana hindi muna ulit.
 
 
hangober

 
inumaga na ako
sa kakaisip sa’yo.
tanging mga bote ng beer
at mga balot ng pulutan
ang nakakalat sa sahig
kasama ng alaala mo.

pinilit ko ang pagbangon,
ngunit ang lasing na katawang
hindi mo pinatulog
ay ayaw makipagkasundo.
nakapikit man,
gising ang diwang naglalakbay
sa paraisong hatid
ng iyong mukha.

tanging ngiti mo ang gabay,
ang humahawak sa akin,
sa aking paglakad
sa paraisong likha mo.

ngunit gawa-gawa lang ang lahat.

ikaw at ako.
tayo.
ang ating mundo.

tadyak ng katotohanan
ang nagpabalikwas sa akin.

tanghali na pala.

Monday, July 26, 2004

banas

alas dos y medya na at gising pa ako.ewan ko ba.natagal din kasing mag-download ng kanta dito sa kazaa.sinasabay na rin siguro yung mga viruses.potaena.ang hirap kapag kaharap mo ang computer at natatae ka.sana itong linggong 'to e maging makabuluhan.para sa akin.para sa amin.at se tesis ko.mabuhay ang pinoy indie.sana magka-gig na kami.potaena talaga.mahal ko nanay ko.anlabo?anlabo.epekto ng nagaalburutong tiyan.sige na.wala pang yosi.kaasar.


Saturday, July 24, 2004

Best Friends



Best Friends


            Pansinin mo naman ako.
            Kanina pa tayo dito sa tapat ng TV sa sala ko, umabot na’t lahat sa ending credits ang palabas na Love Actually, hindi mo pa rin ako kinikibo. Ano bang naging problema?  Speechless ka lang ba dahil sa galing kong sumuso? O nababuyan ka nang husto ng pati ang pagitan ng butas ng puwit mo at ng bayag mo ay padaanan ko ng dila? Masyado lang kasi akong nadala ng pagkakataon. Alam mo na, tao lang. Bakla pa.  Saka mukha naming nagustuhan mo ‘yung ginawa ko a?  ang higpit pa nga ng pagkakasabunot mo sa mala-Dao kong buhok. 
            Ni tingin, ayaw mo akong tapunan.  Kanina, habang nanonood, sinubukan kong hawakan ang kamay mo, bigla ka namang umiwas, na parang may kung anong sakit na dala yung kamay ko. Naaasar na ko, pero pinapalampas ko na lang; iniisip ko kasi na baka masyado ka lang napagod sa pinagsaluhan natin kanina. Pero halos tatlong oras ka nang nakaupo d’yan sa dulo ng couch, kaya ang OA naman ‘ata kung hanggang ngayon e pagod ka pa rin. 
            Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap? Ako? Ang sarili mo? Ang akala ko ba malinaw na sa atin ang lahat. Na nahanap na natin ‘yung talagang gusto natin. ‘Yung mahalaga para sa atin. Na sa limang taon natin bilang best friends, na-realize natin na higit pa pala tayo dun. Na mahal kita. Na mahal mo ako.  ‘Di ba kasasabi mo lang sa akin kahapon sa FX habang papauwi tayo? Pabulong pa nga ang ginawa mo, sabay kagat sa dulo ng tenga ko. Sobrang kinilig ako, kaya naman tinodo ko talaga kanina sa kama. Tapos ngayon, heto ka, ni ayaw lumingon o magsalita, na parang multo lang akong nakadikit sa hubad mong hita.
            Tapos ngayon, biglang-bigla, aalis ka na.

 
sana makasali sa zine ng UGAT.

Friday, July 23, 2004

para kay rochelle


hayskul

masalimuot
ang paghugot ng hininga
tungo sa pagsambulat sa iyo
ng mga salitang
‘i love you.’  

 

 tumawa ka lang.

Tuesday, July 20, 2004

Kay Michelea*

malamig, at nakakakilig ka,
ulan.
parang ang sarap
magpaambon sa'yo.
ang kaso, baka
sipunin lang ako.
saka na,
sisilong muna 'ko.
pero sana,
'wag kang tumila.
 

*si michelea ay ang unang babaeng kinahumalingan ko sa kolehiyo. dating kakurso, naglakbay, at ngayon, Philo major na daw s'ya. salamat sa pagiging isa sa mga una kong inspirasyon sa pagtula.



Sunday, July 18, 2004

bago ka matulog*

 
  
 
bago ka matulog,
nais ko muna sanang ipaalam
sa’yo, kung ga’no mo binulabog
ang tahimik kong mundo
 
kaninang madaling araw.
gusto ko rin sana
na magsalo tayo sa paghithit-buga
ng mga sigarilyong binili mo
 
bandang mag-aalas nwebe ng gabi.
bago ka man lang magsimulang humilik,
sasabihin ko muna
kung ga’no ka kalupit sa kama
 
nitong lumipas na magdamag.
at bago ka tuluyang managinip,
ibubulong ko sana sa tenga mo
kung ga’no kita kamahal
 
bago ka matulog. 


 

*pasaway. alay kay ana.echos.

 


  
 

Tuesday, July 13, 2004

unang taktak ng abo sa ashtray

bilang panimula, gusto kong ibahagi rito ang pinakabastos kong tula.


bati-bot

bumabagsak ang dilim
sa aking mga mata
habang patuloy na umiikot
ang mga sinasala na eksena
sa malikot kong imahinasyon.
dahan-dahan
ang paghuli ng mga kamay
sa naglulumikot
na paghuhumindig ng aking mundo
punong-puno ng kaba
at pagaalinlangan.

ngunit binuyo ako
ng sariling lakas,
habang patuloy sa pagragasa
ang mga sariwang gunita ng sabik
na kamunduhan.
pabilis ng pabilis
hanggang sa hindi na
makayanan ng yayat kong katawan
ang patuloy na indayog
ng labas na mundong pilit
kong sinasayawan.

sa huli,
sa pagkawala ng aking kapos
na hininga,
mula sa saglit na kabaliwan
ay paulit-ulit nag pagtalsik
sa akin ng tanong -
bakit ko ‘to nagawa.


hayan. ganap na ang blog na ito sa unang saboy ng abo. para sa iyo na nagbabasa, tuloy lang sa paghithit, at pananaginip, dahil marami pa ang kasunod. magumon ka sana rito. salamat.