huwaw. nag-post ulit.
nakakatuwa. matapos ang tatlong buwan nagbabalik ako dito sa blog ko. at para ano? naisip ko lang sanang magupload ng video ng Metallica (na hindi gumana, salamat), hanggang sa binabasa ko na yung mga nakaraang pinagtatambak ko rito. napansin ko (oo, ngayon lang) puro pala tungkol sa pag-ibig ang tema ng blog ko, may pa epek pang background na nagpapaka-rakstar. tanginangyanamputa. sige, mula ngayon, ililimita ko na (kung hindi man lubusang maiwasan) ang paglalagay ng heavily love-themed posts (at para na rin sa sarili kong dangal, ha.). o'wenongayon ilalagay ko dito? gagayahin ko ba yung iba na naglalagay ng kung anu-anong mga punto de bista sa mga kung anu-anong bagay gaya ng seks, pagkahilig sa kulay na dilaw, pagbababad sa banyo, pagpapaligaya sa sarili, seks, kung bakit nanalo yung Taylor sa American Idol at hindi yung hot na chick, pagtambay sa starbaks, seks at post-sex/makeout sessions/conversations?pupunuin ko na lang kaya to ng tula at prosa, gaya ng ginagawa ni adam sa http://wasaaak.blogspot.com (bangis ng blog mo men). o dapat ko bang isipin na medyo "brokeback" ang pagba-blog at hindi pasok sa imahe ng machismo? ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko habang nakababad sa desk ko habang hinihintay matapos ang shift. sa ngayon, hindi ko pa talaga alam e. bakit? tinatamad pa ko. sa mga gustong mag komento, sige lang, ilagay lang sa comments o i-email ako sa robrayburn@gmail.com. baka sakaling sa inyo ako makapulot ng maisusulat dito.
(mula sa isang gagong iniisip na marami (o merong) nagbabasa ng blog n'ya)
(mula sa isang gagong iniisip na marami (o merong) nagbabasa ng blog n'ya)